Home

Advertisement

Customize

ahahaha

May. 9th, 2007 | 11:00 pm

i suck. masyado akong kinikilig e alam ko namang wala namang mangyayari dyan. haay
ayoko nang maulit ang MGA nangyari dati.
muka nakong tanga kung maulit..


pero in fairness sa kanya, kinikilig talaga ako nung nagtext sya after! hahaha

Link | may angal? {2} | Add to Memories | Tell a Friend


wadahell??

Mar. 16th, 2007 | 10:25 pm

you know what sucks? my blogs..
reading my friends' blogs, everything they talk about sounds soooo cool.. and mine is.. well, it just fucking sucks..

veryvery bad mood.. (its my bad luck day today)

Link | may angal? {1} | Add to Memories | Tell a Friend


...

Jan. 7th, 2007 | 10:04 pm

sabi ko dati nung natapos yung "tayo" sige, kakaibiganin nalang kita.. its the most reasonable thing to do hindi ba? pero hindi.. nagkamali ako dun at nagkandaleche-leche ang buhay natin nun.. pero tapos na yun.. naging ok na uli ang lahat.. desente nalang tayo sa isa't isa.. hi hello.. tpos na.. yun lang.. pero hindi ka maiwasan kasi kaibigan ka ng mga pinsan ko.. kaya sige, ayus lang.. kakaibiganin ko nalang din.. pero, tingnan mo.. kagabi muntik na kitang masuntok sa inis..

i dont know why but i can't stand seeing your face..

in other news..

still searching for that something that would make my life complete.. hey, if it's you, let me know immediately.. i'm kinda lost right now.. and i don't know where i stand with you.. i just don't want to be disappointed.. again..

guess what??

feeling ko may curse ako.. lahat ng nagiging crush ko, in a few weeks biglang nagkakagirlfriend.. howow.. i suck mehn..

Link | may angal? | Add to Memories | Tell a Friend


ravings and rantings for the whole year..

Oct. 15th, 2006 | 04:04 pm

pagkatapos ng isang taon na muling nabubuhay, marami naman akong napuna ukol sa buhay ko at marami rin akong natutunan ukol sa mundong ating kinagagalawan.. ang mga mungkahing ito ay mga kaisipan ko lamang, kaya't bahala na kayo kung sasangayon kayo sa mga sinasabi ko o hindi..

1. una sa lahat, nakuha ko sa semestreng ito ang kursong pilosopiya.. maaaring maisip nyo kaagad na, "hmm, baka napakalalim ng mungkahi niyang ito dahil natutunan niya iyon sa pilosopiya!" ang masasabi ko lamang ay mali kayo.. sa katotohanan, ang natutunan ko lamang sa kursong ito ay na hindi ako magaling magsulat at magsalita sa tagalog.. mababa ang aking mga marka dahil hindi ko masabi lahat ng gusto kong sasabihin dahil nakukulangan ako ng mga salita.. kaya pasensya na kung magulo itong sinusulat ko ngayon.. at kaya lang ako nagtatagalog ngayon ay dahil nagpapractice ako para sa orals namin sa tues..

2. kahapon ay ang aking kaarawan at natural sa mga tao ang mangbati gamit ang teks.. nakakagambala lamang sa isip ko ang ilan sa mga nakuha kong bati.. anong nakalagay doon? iyong matatanong.. simple lang, pero nakakagulo ng utak.. " happy beerday!" o "tara na, inom na tayo!" ngayon naiisip ko lang.. ito na ba talaga ang tingin sakin ng mga tao? na ako'y isang lasenggera na lamang ngayon? madalas ay nagiging ganito na nga ang kaso.. halimbawa dito ay ang isang araw na naglalakad akong paalis ng eskwelahan.. may nakasabay akong kaklase at biglang sinabi sakin, "o, iinom ka nanaman??".. hindi ako madaling maapektuhan ng mga ganyang pagiisip, pero sa panahong iyon, hindi pa nga nagaalas-tres ng hapon ng martes iyon! ganoon na lang ba ang tingin sakin na sa bawat labas ko ng eskwelahan ay dapat akong uminom??

3. siguro nga ay ganyan ang mundo, nagkakaroon ng pagkakataon na huhusgahan ka ng mga tao sa bawat aksyon mo.. nakuha ko nga galing sa ex ng kuya ko, "People will adore you and love you for all the things you’ve done for them but will hate you for a single mistake. That is the irony of life." mamahalin ka nila dahil marami kang ginawang tama, pero sa sandaling magkamali ka, ayaw na nila sayo.. alam ko yan, ako man ay napagdaanan din iyan.. hindi ko nalang sasabihin kung kelan to nangyari, basta nangyari ito..

4. itong pang-apat na aking napagmunimunihan ay isang masakit na rebelasyon ngunit kailangan ko paring tanggapin.. sa mundo natin, hindi maiiwasang may isang taong hindi kayo talaga magiging magkasundo.. maaaring kilala mo ang taong iyon, maaaring hindi.. at maaari din namang tinuturi mo siyang kaibigan, pero hindi pala.. sa aking pakikipagsapalaran sa taong ito, may nakilala akong taong sa unang pagkikilala ay naging kaibigan ko.. ngunit nang nagtagal ay sumasama ang loob ko sakanya hanggang umabot sa puntong hindi ko na siya nagustuhan.. nang aking natuklasan na ayoko sa ugali niya at sa mga ginagawa niya, napagisipan kong baka may mga tao ding ganito ang iniisip tungkol sakin.. hanggang ngayon ay wala akong kilalang talagang inaamin ito, pero natuklasan ko na "paminsan ay nakakairita din" ako.. masakit man marinig ito, iniintindi ko rin..

5. kahit hindi nila sinasadya may mga tao talaga na i-didisappoint ka.. (pasensya na, hindi ko alam ang tagalog ng disappoint).. ang daming nagpangako saking ng maraming bagay.. and daming sinasabing hindi naman nakakamit.. ang daming naiisip na hindi naman naisasagawa.. madalas ay nakukuha natin iyon sa ibang tao.. naisip ng isa kong kaibigan, at ngayon ay naiisip ko din, na siguro kelangan na lagi nalang nating isipin na madidisappoint tayo ng mga tao para sa dulo hindi tayo madisappoint kung na-disappoint nga talaga tayo.. magulo ba? o malungkot lang?

6. dapat siguro magkasama ang 5 at itong 6 pero ihihiwalay ko nalang..katulad na lang ng nagawa namin sa isang kaibigan namin.. sabi ng guro, maghati-hati ang klase na tigtatatlo sa isang grupo.. agad-agad naman kaming nagdikitan na tatlo, hindi man lang naisip na may isa pa kaming kaibigan na walang kagrupo.. at ngayon, hindi ko alam ang sitwasyon talaga, pero disappointed siya.. sabi ko nga sa ika-5, hindi maiiwasan na may mga taong i-didisappoint ka.. pero hindi mo rin maiiwasang makapagdisappoint ng mga tao.. kaya wag ka nang magpa-asa sa ibang tao.. baka masaktan mo lang sila..

7. ang pamilya at mga kaibigan ang pinakamagandang regalo na ibinigay sa atin ng diyos.. sa mga oras na gusto ko nang magpakamatay, nandyan sila upang hintuin ka, sabyan ka, o makipag-inuman na lamang.. sila ang nagliligtas sakin kapag ako'y nababaliw na, datapwat sila din ang mga naglululong sakin sa kabaliwan.. sila ang nagpapatawa sa akin kapag ako'y malungkot o galit.. sila din naman ang nagpapaiyak sakin kapag ako'y masaya.. pero ang importanteng bagay ay andyan sila, at hindi nako naghahanap ng iba pa..

8. importante sa buhay ang tawa.. kailangan pa bang ipaliwanag ito? lahat tayo, kahit magkakaibia tayong lahat ay kailangan paring tumawa, kung walang tawa ay walang kwenta ang buhay.. maraming beses nakong naligtas ng tawa at saya..

9. importante sa buhay ang malaman ang kahinaan at kalakasan ng bawat indibidwal.. kailangang pagnilay-nilayan ang buhay natin upang tayo ay makaurong papunta sa ating gustong marating..kaya din ako gumagawa ng ganito ay upang maliwanagan ako at maari pang malaliman ang pagiintindi ko sa aking sarili.. kailangan kong maintindihan ang aking sarili kung gusto kong makaurong sa aking tinatayuan ngayon.. "experience is the best teacher" ika nga.. ang eksperyensyang ito ang magtuturo sa akin sa tamang direksyon papunta sa gusto kong puntahan..

10. ako'y isang tamad.. itutuloy ko nalang ito sa sunod na taon.. marami pa akong gustong isulat dito, ngunit, ito din ang natuklasan ko sa aking sarili.. at maaaring ito rin ang makapaghinto sa akin sa paguunlad.. gumagawa na ako ngayon ng paraan upang maiwasan ang katamaran.. pero dahil gumagalaw tayo sa loob ng meron, at maliit lang ang aking abot-tanaw, tinatamad na akong ipaliwanag ng mas maayos..

Link | may angal? | Add to Memories | Tell a Friend


trial..

Sep. 25th, 2006 | 11:41 pm

waw, lj.. cool shongness pare!

Link | may angal? | Add to Memories | Tell a Friend


Advertisement

Customize